Committee report ng senate inquiry kaugnay sa lumusot na 6.4 billion pesos na shabu shipment, ilalabas ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakdang ilabas ngayong araw ang committee report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng 6.4 billion pesos na shabu shipment na lumusot sa Bureau of Customs.

Pero ayon kay Gordon, malilinis ang pangalan ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na idinadawit ni Sen. Antonio Trillanes.

Lalabas aniya sa report na walang napiga si trillanes nang paharapin sa pagdinig ang nakababatang Duterte at bayaw nitong Si Atty. Manases Carpio.


Kahit may ilalabas nang report, muling magsasagawa ng pagdinig ang komite sa Setyembre 25 na tututok sa korapsyon at tara system sa BOC.

Facebook Comments