ROME, Italy — Pinagmulta ang isang babae sa paglabag sa striktong coronavirus lockdown matapos mahuling naglalakad kasama ang alagang pagong.
Sa umiiral na patakaran, maituturing na makatwiran ang paglabas ng mga residente para ipasyal ang alagang aso — ngunit tila ibang usapan pagdating sa pagong.
“The 60-year-old woman was caught outside her home without a justifiable reason,” pahayag ng Roman police.
Pinagmulta ang babae ng €400 (P22,000) ayon kay Nunzio Carbone, tagapagsalita ng pulisya, sa ulat ng AFP.
Giit pa ng awtoridad, kasing laki ng pizza ang pagong at wala umano itong tali.
Nagdulot ito ng biruan ng ilang pet owners sa Europe na ipa-rerenta nila ang kanilang aso sa mga naghahanap ng dahilan para makalabas sa gitna ng quarantine.
Noong nakaraang Lunes, nakapagtala na ang Italy ng 16,545 paglabag at dagdag na 13,756 nitong Linggo.