Babaeng banyagang suicide bomber, naaresto sa Jolo, Sulu ng militar

164

Nahuli ng pinagsanib na pwersa ng Joint Task Force Sulu at iba pang local and national law enforcement agencies ang babaeng foreign terrorist at suicide bomber sa kanilang operasyon sa Brgy. Asturias, Jolo, Sulu.

Kinilala ang naaresto na si Rezky Fantasya Rullie, alyas “Cici”, isang Indonesian.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Spokesperson Lt. Col. Ronaldo Mateo, naaresto ito kaninang mag-a-alas-2:00 ng madaling araw.

Kasama nitong naaresto sa kanyang tinutuluyan na umano’y pagmamay-ari ni Abu Sayyaf sub-leader Ben Tatoo at ang dalawa pang babae.

Ang dalawang babae ay kinilalang sina Inda Nurhaina, asawa ni ASG sub-leader Ben Tatoo at Fatima Sandra Jimlani, asawa ni Jahid Jam, miyembro ng ASG.

Narekober sa terorista ang ilang Improvised Explosive Device (IED) at mga gamit sa paggawa ng bomba.

Ayon naman kay Brig. Gen. William N. Gonzales, Commander ng JTF Sulu, simula nang mangyari ang kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu nitong nakalipas na buwan ng Agosto ay tinugis na nila ang kinaroroonan ng babaeng suicide bomber na si Rullie.




Facebook Comments