INDIA – Nakuhanan sa CCTV footage ang pananakit ng isang local government official sa babaeng empleyado nang pasuotin siya nito ng face mask.
Kinilala ang suspek na si Nellore Bhaskar, tourism manager ng isang hotel sa Andhra Pradesh na sinasabing lalaki sa video na nanakit kay Checuri Usharani, 43.
Sa ulat ng the Hindustan Times, nangyari ang insidente noong Sabado na nakuhanan sa CCTV camera ng opisina kung saan mapapanood si Bhaskar habang galit na sumugod kay Usharani.
Sa una’y may kinuha ito sa kanyang mesa saka hinila ang buhok ng biktima sa harap ng iba pang staff.
Agad namang umawat ang isang nakatatandang lalaki ngunit nagpatuloy sa pananakit si Bhaskar.
Maya-maya pa ay isang kahoy ang kinuha nito at ginamit pamalo sa biktima.
Natigil lang ang pag-atake nang sumingit sa eksena ang mas nakababatang lalaki para awatin ang galit na boss.
Lumalabas sa imbestigasyon na nangyari ang pananakit nang pagsuutin ng naturang empleyado ng face mask ang kanyang boss dahil sa paglaganap pa rin ng COVID-19 pandemic.
Inaresto ang boss noong Martes matapos magviral ang nakuhanang video.
BABALA: SENSITIBONG VIDEO
#WATCH An employee of a hotel in Nellore under Andhra Pradesh Tourism Department beat up a woman colleague on 27th June following a verbal spat. Case registered against the man under relevant sections. pic.twitter.com/6u9HjlXvOR
— ANI (@ANI) June 30, 2020
Ayon sa mga pulis, haharap ito sa reklamong assaulting a woman intending to outrage her modesty, using force to dishonor a person and causing injuries using a weapon.