Muling nagkaharap ang matandang lalaking kinuyog dahil sa paratang na pambabastos at babaeng nag-akusa sa kaniya, Lunes ng hapon.
Sa programang “Wanted sa Radyo”, humingi ng paumahin si Dimple Morcillo kay Alexander Gutal sa ginawang aksyon noong gabi ng Oktubre 19.
Giit ulit ng babae, pakiramdam niya hinipuan siya ng kapwa-pasahero nang ma-out of balance ito sa sinakyang e-jeepney.
Makalipas ang ilang sandali, biglang lumapit at nagmakaawa si Morcillo at kaniyang ina sa harapan ni Gutal para i-atras ang reklamo.
Gayunpaman, desidido ang 55-anyos na lalaki sa pagsasampa ng kaso laban sa dalaga.
Kabilang din sa mga idedemanda ni Gutal ang tatay, kapatid, at ilang kaibigan ni Morcillo.
(BASAHIN: Matandang lalaki, ginulpi dahil inakusahang nambastos ng babaeng pasahero)
Matatandaang naging viral sa social media ang footage ng panggugulpi kay Gutal dahil sa sumbong ng babaeng commuter.
Pero ang paratang nito, taliwas sa kuha ng CCTV.
Nangyari ang pangugulpi bandang alas-11:30 ng gabi noong Huwebes sa Brgy. Bambang, Taguig City.