Nakatanggap ng scholarship si Sophy Ron, valedictorian ng Trinity College na lumaki sa isang garbage dump site sa Phnom Penh sa Cambodia, at inaasahang makakapag-aral sa University of Melbourne sa Australia.
Ayon kay Sophy, naranasan niyang magpulot ng mga basura sa dump site sa loob ng pitong araw upang mapagkakitaan lamang ng pera.
Noong 11 taong gulang, ni-rescue siya ng Cambodian Children’s Fund (CCF), isang non-profit organization, sa garbage dump site at pinag-aral. Bagamat hindi nakapag-aral noong kabataang taon ay nakasunod naman siya sa iba at nanguna sa klase.
Sa kaniyang valedictory speech sa Trinity College, sinabi niyang hindi niya malilimutan kung saan siya nanggaling at ang kaniyang nakaraan.
Nakakuha siya ng full scholarship sa University of Melbourne at marami siyang nabigyan ng inspirasyon sa kaniyang kwento. Kasama ang dalawa na mula sa Neeson Cripps Academy, pupunta silang Australia upang mag-aaral sa nasabing prehisteryosong unibersidad sa darating na semestre.