Babaeng mastermind ng investment scam, arestado!

Las Piñas City – Naaresto na ang tinuturong mastermind ng Wahana investment scam na nakapagloko ng nasa 11,000 katao sa Las Piñas City.

Inaresto sa bisa ng warrant of arrest ang suspek na si Salvie Anahaw, 57-anyos.

Ayon kay Senior Superintendent Simnar Gran, hepe ng Las Piñas police, February 2016 nang magsimula ang Wahana investment company ng suspek na nangangako ng malaking interes sa mga investor.


Aniya, nag-umpisa sa 20 percent ang alok na interest rate ng suspek hanggang naging 48 percent noong 2018.

Pero noong 2018 ay hindi na rin aniya nakapagbigay ng kita sa mga investor ang kumpaniya ng suspek at hindi na rin nito naibalik ang kanilang mga puhunan.

Nabatid na ilan sa mga nabiktima ng suspek ay mga pulis, sundalo, guro at mga OFW.

Facebook Comments