Bahagi ng Concordia Bridge sa Maynila, isasara sa weekend

Manila, Philippines – Isasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang northbound lane ng Concordia Bridge sa Maynila simula gabi ng Sabado.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ito ay dahil sa pagkukumpuni sa northbound lane.

Sa traffic scheme na gagawin ng MMDA, dalawang lane ang ilalaan para sa pansamantalang southbound lane at isang lane para sa northbound lane mula alas-6 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.


Mula alas-2 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi ay gagawing dalawa ang lane para sa northbound lane habang isa naman ang gagawing lane para sa southbound lane.

Magtatagal ng dalawang buwan ang naturang pagkukumpuni.

Facebook Comments