Babaeng may diperensya sa pag-iisip, hinihinalang ginahasa muna bago pinatay

Bocaue, Bulacan – Hinihinalang ginahasa muna bago pinatay ang isang babae na may diperensya sa pag-iisip na natagpuan sa Bocaue, Bulacan.

Sa ulat, sa isang abandonadong kiskisan ng palay natagpuan ang bangkay ng biktimang kinilala lamang sa pangalang Kim.

Tadtad ng pasa at sugat ang katawan ng biktima kung saan ayon sa kaibigan na kumukupkop sa kanya, umalis ito ng bahay noong Sabado para mangalakal pero hindi na bumalik.


Hinala naman ng hindi na nagpakilalang kaibigan, may nakainuman ang biktima at malamang na ito ang humalay at pumatay.

Facebook Comments