Babaeng patuloy ang pagtetext sa yumaong ama, nakatanggap ng reply

Makalipas ang apat na taon mula nang yumao ang ama ng isang 23-anyos na dalaga mula sa Arkansas US, hindi siya pumalya sa pagbibigay ng text message dito araw-araw mula taong 2015.

Isa raw sa paraan ng pagmo-move on ni Chastity Patterson ang pagtetext sa lumang number ng tatay na si Jason Ligons, hindi man niya tunay na ama ay tinuring siyang anak ng mahabang panahon.

Kahit na matagal nang patay si Jason, parating ina-update ni Chastity ang ama sa mga nangyayari sa kanyang buhay.


Nang sumapit ang ika-4 na anibersaryo ng pagkamatay nito, mensahe nito sa kanya, “Hey DAD it’s ME. Tomorrow is going to be a tough day again! It’s been 4 years since I lost you and not a day goes by that I don’t miss you.”

Walang kaalam-alam si Chastity na sa loob ng apat na taon nang patuloy na paghahatid ng mensahe sa kanyang tatay, isang lalaking nagngangalang Brad ang nakakatanggap at nakakabasa ng kanyang mga texts.

Ibinahagi ng dalaga sa kanyang facebook post ang mahaba niyang mensahe para sa ama.

Ikinwento niya kung paano niya nilabanan ang cancer, kung paano siya nabroken-hearted, at kung paano unti-unting nawala ang kanyang mga kaibigan.

Sa salaysay niya, ipinagmalaki nitong sa bandang huli ay mayroon siyang nakilalang tumulong sa kanya.

“I’m doing great, you would be so proud of the woman I have become,” saad niya.

“I just wanted to say I love you and I really do miss you!” sabi niya sa huling bahagi ng kanyang mensahe.

Sa isang iglap, may sumagot sa mahabang text ni Chastity.

Sabi nito, “Hi sweetheart, I am not your father, but I have been getting all your messages for the past 4 years, “I look forward to your morning messages and your nightly updates.”

Ibinahagi ni Brad na namatayan rin siya ng anak noong 2014 sa isang car crash at ang mga mensaheng natatanggap nito mula kay Chastity ang nagpapaalala sa kanya.

Sabi niya, noon pa man ay gusto na niyang sagutin ang mga mensahe ng dalaga ngunit ayaw raw niyang masaktan ito.

“You are an extraordinary woman and I wish my daughter would have become the woman you are. I’m sorry you have to go through this, but if it makes it any better, I am very proud of you!” saad ni Brad.

Sa huli, sinabi ni Chastity na ang pagtugon raw ni Brad ay isang sinyales na ayos na ang lahat at handa na niyang palayain ang kanyang yumaong ama.

Umani ng samu’t saring reaksyon sa social media ang post ni Chastity na nagbigay pa ng kani-kanilang saloobin.

Facebook Comments