BABAENG PINTOR, SINAKSAK ANG LALAKING MAINGAY NA NAGKEKWENTUHAN SA HARAP NG KANYANG BAHAY SA DAGUPAN CITY

Isinugod sa ospital ang isang 29 anyos na lalaki matapos saksakin sa tapat ng bahay ng isang babae sa Dagupan City.

Batay sa imbestigasyon ng Dagupan City Police Office, naglalakad umano ang biktima kasama ang ilang kaibigan sa tapat ng bahay ng suspek habang maingay na pinag-uusapan ang suspek.

Dahil dito, nainis ang 47-anyos na babae, kaya’t bigla itong lumabas ng bahay, hinabol ang grupo, at sinaksak ang biktima.

Agad namang dinala ang biktima sa malapit na ospital sa Dagupan City para sa agarang gamutan.

Matapos ang insidente, kusang loob namang sumuko ang suspek sa Station 4 ng Dagupan City Police.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments