Babaeng preso na nakatakas sa Sablayan prison sa Oriental Mindoro, naaresto ng kapulisan

Makati, Philippines – Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Makati City police at ng Bureau of Customs ang isang babaeng pugante sa Sablayan Prison sa Oriental Mindoro.

Kinilala ang takas-bilanggo na si Lory Gamboa, may kasong paglabag sa anti-illegal drugs law.

Kaninang umaga nang naaresto si gamboa sa harap ng Caltex gas station sa Barangay Guadalupe Viejo, Makati City.


Nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections si Gamboa.

Facebook Comments