MGA ESTUDYANTE SA BRGY. CANTIASAY, SURIGAO CITY NASA TENT NAGKA-KLASE

MGA ESTUDYANTE SA BRGY. CANTIASAY, SURIGAO CITY NASA TENT NAGKA-KLASE Nasa loob ng tent patuloy na nagka-klase ang mga mag-aaral ng Cantiasay Elem School sa Brgy. Cantiasay, Surigao City, ito’y matapos masira ng malakas na lindol noong Pebrero. Ayon sa School Head na si Lorraine Chato, apat na tents ang inilagay sa kanilang paaralan at doon isinagawa ang mga klase, may umaga at hapon na session mula Grade 1 hanggang Grade 6. Diumano’y mainit sa loob kaya may mga pagkakataon na lumiliban ng klase ang iilang mag-aaral. Panawagan nito na sanay matulungan sila na makapagpatayo ng temporaryong classrooms mula sa nipa at kahoy dahil mas presko ito kung ikumpara sa mga tents.

Sent from my iPhone



Facebook Comments