BABAENG REBELDE, SUMUKO SA COASTAL TOWN NG ISABELA

Cauayan City, Isabela- Muling nadagdagan ang bilang ng mga nagbabalik-loob na rebelde sa pamahalaan matapos sumuko nitong ika-9 ng Disyembre 2021 ang isang babae na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Tapigue, Barangay Ayod, Dinapigue, Isabela.

Hirap at psychological torture ang mga dahilan kung bakit boluntaryong sumuko sa gobyerno si alyas “Gladys”, 29 taong gulang, miyembro ng Section Guerilla Unit ng Regional Sentro De Grabidad, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.

Sumampa si alyas Gladys sa kilusan sa ilalim ng grupo ni alias “Davao” noong ika-5 ng Pebrero taong 2016.


Nang mamatay ang kanilang lider sa engkwentro, napagtanto noon ni Gladys na walang kabuluhan ang kanilang ipinaglalaban.

Nag-udyok din sa pagsuko ng 26-anyos na dating rebelde ang pagbabalik-loob din ng kanyang mga kasamahan noong Disyembre 7, 2021.

Nasa kustodiya na ng kasundaluhan si Alyas “Gladys” at pinoproseso na ng Isabela PTF-ELCAC ang mga tulong na matatanggap at ibibigay ng gobyerno kapalit ng kanyang pagsuko.

Facebook Comments