
Patay ang isang 32 anyos na babae na angkas ng motorcycle taxi matapos masangkot sa aksidente ang kanilang sinasakyan sa lungsod ng Maynila.
Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard sa Tondo kaninang bago mag-tanghali.
Sapul sa CCTV ang paghagip ng dump truck sa puting motorsiklo nang mag-overtake ito.
Dito na pumailalim ang babaeng pasahero sa truck na agad nitong ikinasawi.
Ayon sa kasintahan ng biktima, galing Paranaque ang babae na patungo na sanang dagat-dagatan Caloocan City.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng barangay ang rider na nagtamo rin ng mga sugat at ang nagmamaneho ng truck na sinubukan pa umanong tumakas matapos ang aksidente.
Facebook Comments









