ASF cases, bumaba pa nitong March 14 —DA

Bumaba pa ang bilang ng mga barangays ba apektado ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Spokesperson at Asec. Arnel de Mesa, nitong March 14, nasa 39 barangay na lang mula sa 27 na bayan at lungsod ang may active cases ng ASF mula sa 66 barangays na naitala sa huling bahagi ng February.

Pinakamaraming naitalang kaso ay sa Region 7, partkular sa Bohol.


May naitala namang bagong ASF sa Region 4A, partikular sa Sta. Maria, Laguna.

Pero kontrolado na umano ito dahil sa maagap na bio security measures ng lahat ng stakeholders sa hog industry sa lugar.

Ayon pa kay De Mesa, isa sa nakikita nilang dahilan ng pagbaba ng mga ASF-affected areas ay ang pinaigting na border measures at sa agresibong government-controlled vaccination at ang nalalapit na pagpasok ng panahon ng tag-init.

Facebook Comments