Marikina – Puspusan ang ginagawang “Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation” o (SACLEO) ang operatiba ng Marikina Police Station upang ipatupad ang mga ordinansa sa lungsod.
Ayon kay Marikina City Chief of Police P/Sr.Supt. Roger Quesada inatasan nito si Police Senior Inpector Ariel Cambri upang magsagawa ng SACLEO kung saan 39 personalidad ang pinagdadampot nila dahil sa paglabag sa, City Ordinance ng Marikina City.
Paliwanag ni Quesada 39 ang kanilang inanyayahan sa himpilan ng pulisya kabilang na rito ang mga personalidad na nagsusugal, umiinom sa pampublikong lugar, umiihi sa pampublikong lugar, at nakahubad pang itaas dahil mahigpit ang kanilang pagpapatupad ng ordinansa.
Pinagsasabihan ni Supt. Quesada ang mga inaresto at magsilbing babala umano ito sa lahat ng mga lumalabag sa mga Ordinansa at Batas sa Lungsod ng Marikina na mahigpit nila itong ipatutupad upang maiwasan ang mga nangyayaring krimen sa lungsod.