Babala: MASELAN Po Ang Usapin ng Balitang Ito. PARI na may HIV, UMAMIN na NANG-RAPE ng 30 Kabataang Babae EDAD 5-10, PINAWALANG-SALA ng Simbahang Katoliko

Isang Paring Katoliko na may HIV at umaming ginahasa niya ang nasa 30 mga batang babae na may edad 5 – 10 taong-gulang ay pinatawad ng Simbahang Romano Katoliko. Ito ay base sa report na inilathala nitong nakaraang June 3, 2017 ng www.social-consciousness.com. Bahagi rin umano ng kapatawaran ang hindi pagharap ng anumang kasong criminal laban sa kanya.
Kinilala ang Pari na si Jose Ataulfo Garcia. Siya ay pinawalang-sala sa anumang krimen ng Archdiocese Primada de Mexico makaraang aminin niya ang pagmomolestiya sa dose-dosenang kababaihan ng isang indigenous community sa Oaxaca.
Ang pag-amin sa kahindik-hindik na Gawain ay dagdag pa sa katotohanang ang Pari ay carried ng HIV.
Hindi nakapalag kahit na ang State of Mexico sa pangyayaring ito. Wala ring umalma sa mga organisasyong kilalang mga defenders ng mga karapatan ng mga bata tungkolsqa nasabing acquittal. Ito marahil, ayon sa report, ay dahil sa respeto na binibigay ng mga myembro ng indigenous community sa Simbahang Katoliko. Tanyag din ang Simbahang Katoliko na may malaking impluwensiya sa mga institusyon sa Mexico.
Sa dinami-dami ng biktima, 2 lamang ang naglakas-loob na kondenahin ang acquittal ng Simbahang Katoliko sa balasubas na Pari.
Ayon pa sa report, isang nanay ng biktima ang sumulat kay Pope Francis na naghihingi ng pagkakataon na makausap siya, subalit tinanggihan ng Vatican ang nasabing nanay dahil sa “the matter is closed” na daw. Wala ng dapat pang pag-uusapan dahil sarado na umano ang kaso.
Ipinaliwanag ni Pope Francis na ang hakbang na ito ng Simbahang Katoliko ay naglalayong humubog ng isang Simbahang Mapagpatawad-na-puno-ng-Awa.
Ayon naman sa opinion ng mga kritiko, ang desisyong ito ng Simbahang Katoliko ay magpapalakas ng loob ng mga Paring pedophile na manggahasa pa ng mga batang kababaihan.
Sinabi din sa report na ang Simbahang Katoliko ay may mahabang kasaysayan ng mga pedophilia at sodomy sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.
Noong 2004, magugunitang muling binuksan ng Vatican ang imbestigasyon laban sa clergyman na kinilalang si Marcial Maciel na inakusahan ng pagmomolestiya sa mga batang menor-de-edad at ganundin sa pagiging tatay ng anim na bata mula sa tatlong iba’t-ibang babae.
Kahit na ang mga alegasyon ay naganap ilang dekada na ang nakaraan at ito ay laganap na sa mga opisyal ng Simbahang Katoliko, nitong nakalipas na taong 2006 lamang napagpasyahan ng Vatican na pwersahin si Maciel na pagretiruhin sa kanyang ministry. Si Maciel ay kilalang isang pinakamakapangyarihang clergymen sa Vatican ng mga nakaraang panahon. . (abangan ang isa pang edition sa usaping ito.)

Para sa dagdag na babasahin, bisitahin ang: www.social-consciousness.com/2017/06/forgiven-by-church-pedophile-priest-with-hiv-who-raped-30-children.html

Facebook Comments