BABALA | PDEA, pinaaalerto ang publiko sa presensya ng mga shabu laboratory

Manila, Philippines – Pinaaalerto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko sa mga posibleng pagkakaroon ng shabu laboratory sa kanilang komunidad.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, napansin nila na mula sa mga kabundukan at malalayong lugar, na nag ma-manufacture na rin ang ilegal na droga sa residential areas.

Sabi ni Aquino, ang mga maaring senyales na mayroong shabu lab sa lugar ay presensya ng mga hindi kilalang tao, mapa-dayuhan man o lokal, mga bahay o gusali na matagal nang inabandona, presensya ng malalaking tangke ng tubig, makakapal na kable ng kuryente sa mga bahay, laboratory materials tulad ng chemical bottles, drums at iba pang container, tsimeneya o ventilation fan.


Maamoy din aniya ang mga matatapang na kemikal na nagmumula sa pasilidad.

Ilan pa sa palatandaan na tinukoy ng PDEA ay ang presensya ng mga waste chemical, pagsusunog ng basura, eksaheradong mga kandado at steel bar sa mga bintana at mahigpit na security.

Facebook Comments