Nangako si Transportation Undersecretary for Roads Mark de Leon na bawasan na ang mahabang proseso at sangkaterbang requirements na hinihingi ng LTFRB sa mga operator.
Ayon kay Usec De Leon, 15 days na lamang ang itatagal bago ilabas ang prangkisa o certificate of public convenience ng isang TNVS unit.
Ito ang isa sa nagpaka kumbinsi sa mga TNVS operatord mag-online at tumanggap ng pasahero ang ilang partner drivers.
Matatandaang isa sa inalmahan ng mga hatchback community ang pabago-bagong patakaran at mabagal na proseso bago ilabas ang prangkisa ng isang TNVS applicant.
Sabi ni De Leon maari nang makapamasada muli ang isang hatchback unit dahil na rin sa ito ang nilalaman ng memorandum circular 2018-005 na inilabas noon ng regulatory agency.
Mula pa kaninang alas-sais ng umaga ay pahirapan na ang pagbo-book sa grab at iba pang TNVS dahil sa transport holiday.
Sa monitoring ng LTFRB, mataas ang surge price mula pa kanjnang umaga.
Mula Quezon Memorial Circle hanggang LTFRB office na maaring lakarin ay 292 pesos na ang pamasahe na dapat ay nasa 90-pesos lamang.