Manila, Philippines – Balik trabaho na ulit ang Mababang Kapulungan matapos ang nangyari na gulo sa pagpapalit ng liderato ng Kamara.
Ayon kay Committee on Housing Chairman Albee Benitez, kinausap na ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo (SGMA) ang lahat ng committee chairmen upang ipaabot na nais na niyang simulan ang mga trabaho sa susunod na Linggo.
Bagamat wala namang mangyayari na pagpapalit ng mga committee chairmen, hindi pa rin nakakasiguro dahil may anim na committee chairmen ang hindi bumoto pabor kay SGMA.
Kabilang sa mga komite na hindi bumoto pabor kay CGMA ay Committee on Justice ni Cong. Rey Umali, Committee on Good Government and Public Accountability ni Cong. Johnny Pimentel, Committee on Tourism ni Cong. Lucy Torres-Gomez, Committee on Civil Service ni Cong. Vilma Santos-Recto, Committee on People’s Participation ni Cong. Kaka Bag-ao at Committee on Constitutional Amendments ni Cong. Roger Mercado.
Naniniwala naman si Benitez na paiiralin ng mga kongresista ang delicadeza at kusang magbibitiw ito sa kanilang posisyon.