Aminado ang Department Foreign Affairs (DFA) na malabong maibigay ngayong taon ang back wages ng 10,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, ito ang iniulat sa kaniya ng Philippine Embassy sa Riyadh.
Partikular na naghihintay ng back wages ang OFWs mula sa construction firms sa Saudi Arabia na nagdeklara ng bankruptcy noong 2015 at 2016.
Una nang nangako ang Saudi Arabia government na maglalabas ito ng 2 billion riyals para bayaran ang naiwang sweldo ng naturang OFWs mula sa mga nagsarang construction companies.
Facebook Comments