Cauayan City, Isabela- Tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang pag-uusap sa pamamagitan ng backdoor negotiation kahit naudlot ang Peacetalks sa pagitan ng National Government o GRP panel at National Democratic Front o NDF.
Ito ang inihayag ni ginoong Randy Malayao, Consultant ng NDF sa naging ugnayan ng RMN Cauayan News sa programang Staright To Point kaninang umaga.
Aniya, umuusad na ang kanilang pangkapayapaang pag-uusap sa pagitan ng dalawang panig at ayon umano sa inihayag ng NDF ay rerespetuhin nalang nila kung ano man ang mga naging kasunduan gaya ng Joint Declaration na alin man sa mga partido ay hindi maaaring magpataw ng pre-condition lalo na kung ito ay magdadala ng balakid para sa pagpapatuloy ng Peacetalks.
Sinabi pa umano ng panig ng NDF na kung anuman ang hihilingin ng pangulo ay dadalhin na lamang ito sa negotiating table at doon na pag- usapan.
Ito ay dahil sa pagpapanatili umano nila sa patakarang pagiging bukas sa negosasyon upang mahanap ang solusyon sa mga ugat ng armadong tunggalian sa bansa.
Ayon pa umano sa inihayag ni Pangulong Duterte, kailangan niya ng Ceasefire, kaya nagkasundo na ipatupad ang ceasefire na umano’y hindi maintindihan ng NDF at ito ay tinatawag na graduated Ceasefire subalit mayroon kasi umanong stand down o no movement ceasefire na ipapasa sa taas para sa koordinasyon ng unilateral ceasefire upang makita kung sino ang lumalabag sa mga nakalipas na ceasefire.