Backriding sa motorsiklo ng mga mag-partner, papayagan na simula bukas ayon kay DILG Sec. Eduardo Año

127

Papayagan na ang pag-angkas sa motorsiklo simula bukas, July 10, 2020.


Pero paglilinaw ni Interior Secretary Eduardo Año, papayagan lang ang pag-angkas sa mga mag-asawa at magkasintahan na nakatira sa iisang bahay.

Gagamiting prototype model para sa backriding ang disenyong isinumite ni Governor Arthur Yap.

Sa nasabing disenyo, dapat ay may protective shield o barrier sa pagitan ng rider at pasahero, may handle at mandatory ang pagsusuot ng face mask.

Pero ayon kay Año, bagama’t aprubado na ng National Task Force ang disenyo ni Yap, patuloy pa rin silang tatanggap ng ibang disenyo at proposal.

Facebook Comments