Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, halos 1,000 na

49

Patuloy ang pagdami ng kaso ng mga pulis na tinatamaan ng COVID-19.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine National Police (PNP) Health Service, 39 na bagong kaso ang nadagdag sa listahan ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 kaya naman umabot na sa 981 na ang mga positibo sa virus.


Sa mga bagong nagpositibo sa COVID-19, 35 nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), dalawa sa PRO 4A, isa sa PRO 7 at isa sa PRO-COR.

Samantala, nananatili sa siyam ang nasawi sa kanilang hanay at 429 naman ang gumaling.

May 659 na pulis naman ang probable case at 1,258 ang suspected case ng COVID-19.

Facebook Comments