Bag na mukhang tiyan, click na click ngayon sa London

London – Click na click ngayon ang isang bag na ang design ay parang malaking tiyan sa London.

Ang nasabing “The Dadbag” ay creative mind ng art director na si Albert Pukies para sa mga single at maskuladong mga kalalakihan na nais daw ma-experience ang magkaroon ng malaking tiyan.

Iba’t-ibang design din ang nagawa ni Albert depende sa gusto ng mga customer na magrerenta nito kung saan maari itong paglagyan ng mga gamit.


Nabatid kasi na wala pang plano si Albert na ibenta ang kaniyang mga design pero naghahanap na siya ng business partner na pwedeng mamuhunan para magawa niyang mailabas ito sa merkado.

Facebook Comments