77-anyos na Lola, patay matapos pagnakawan sa Baguio City

Baguio City – Patay ang isang ginang matapos hampasin ng matigas na bagay ng magnanakaw na nanloob sa kanyang bahay sa Bakakeng, Baguio City.

Nakahandusay na sa kaniyang silid at nagkalat ang dugo sa dingding nang datnan ng kaniyang anak at mga apo ang biktimang si Lourdes Abalos-Teodoro, 77.

Sinira ng mga suspek ang vault at tinangay ang laman nitong P40,000 cash at mga alahas na nagkakahalaga ng P500,000.


Tumangging magbigay ng pahayag sa harap ng camera ang pamilya ng biktima kung saan tinitiganan na ng mga imbestigador ang kuha ng CCTV camera sa lugar para makilala ang mga suspek.

Facebook Comments