BAGO ISARA | Beach wedding ni Rachelle Ann Go at fiance sa Boracay, tuloy na tuloy na

112

Manila, Philippines – Isang linggo bago ang pagsasara ng Boracay, tuloy ang beach wedding doon ng singer na si Rachelle Ann Go at American Fiance niya na si Martin Spies sa April 26.

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi pa ng singer ang pagdating nila sa Boracay ng kanyang soon-to-be-husband.

Matatandaang sa Boracay din nag-propose ng kasal kay Rachelle si Martin noong September 8, 2017.

Pebrero ng nakaraang taon nang mapabalitang ‘in a relationship’ ang dalawa matapos na nagkakilala sa isang Christian service sa New York City.

Facebook Comments