Bagong 1,000-peso polymer bills, inilalabas na ng mas maraming ATM sa bansa ayon sa BSP

Mas maraming automated teller machines o ATM ang naglalabas ng bagong 1,000-peso polymer bills.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, nasa 17,304 o 92 percent ng kabuuang ATMs sa bansa ang na-recalibrate na upang maglabas ng polymer bills.

Sa naturang bilang, higit 7,200 dito ang nasa Metro Manila.


Nagpaalala naman ang BSP sa publiko na tatanggapin ng mga establisiyimento at bangko ang mga natuping peso bills, mapa-papel man o polymer basta ito ay lehitimong pera at pupuwedeng gamitin sa pang-araw-araw na transaksyon.

Facebook Comments