BAGONG BARANGAY HEALTH CENTER SA KALINGA, PINASINAYAAN

CAUAYAN CITY – Pinasinayaan ng lokal na pamahalaan bg Tabuk ang bagong Barangay Health Center sa Brgy. New Tanglag, Tabuk, Kalinga.

Sa pahayag ni Dr. Henrieta Bagayao, Tabuk City Health Officer, 29 mula sa 43 barangays sa kanilang bayan ang mayroon ng fully functional na Barangay Health Center.

Dagdag pa nito, na inatasan ni City Mayor Darwin Estranero ang kanilang opisina katuwang ang mga opisyales ng barangay na maghanap ng bakanteng lote na maaaring pagtayuan ng mga karagdagang health centers.


Ang proyektong ito ay upang maging accessible sa bawat mamayan ang serbisyong pangkalusugan lalo na sa mga lugar na malayo sa lungsod.

Facebook Comments