Bagong batch ng mga OFW mula Iraq, inaasahang makakauwi ng bansa bago matapos ang Enero

Inaasahang makakauwi na sa Pilipinas ang panibagong batch ng mga OFW mula Iraq bago matapos ang buwan.

Ito ay sa gitna ng tensyon sa Middle East bunsod ng US-Iran conflict.

Ayon kay DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola – aalis ang bagong batch ng repatriates sa January 23.


Limang Pilipino mula sa Baghdad at apat mula sa Erbil.

Aminado si Arriola na hindi pwedeng pwersahin ng gobyerno ang mga Pilipino na umalis ng Iraq, lalo na ang mga mayroong trabaho roon.

Nakataas pa rin ang alert level 4 sa Iraq at ipinapatupad ang mandatory repatriation.

Facebook Comments