Bagong bukas na North EDSA Bus Station, ikinasiya ng mga pasahero

Ikinatuwa ng mga pasahero ang bagong-bago at maayos na North EDSA Bus Station.

Ito ay matapos na buksan kahapon ng Department of Transportation o DOTr ang nasabing bus station.

Ayon sa DOTr, maliban sa binuksan na bus station, makikita rin ang North EDSA Busway Concourse na animo’y pang world class at pang airport ang itsura ng naturang bus station.


Paliwanag pa ng DOTr, maaliwalas at maliwanag ang concourse maging ang bus station lalo pa’t hindi nagtipid sa ilaw.

Bukod dito, mayroong mga elevator maging escalator na magpapabilis naman sa pagsakay at pagbaba ng mga pasahero dito sa North EDSA Busway.

Facebook Comments