Binuksan na ng Taguig City Government ang online vaccination appointment sa kanilang bagong community vaccination center sa Cayetano Building sa Barangay Ususan
Ito’y upang maserbisyuhan ang nasa kategoryang hanay A1, A2 at A3 o mga healthcare workers, senior citizens at may mga comorbidity.
Asahan na na madagdagan ang bilang ng nababakunahan kada araw sa Taguig at bilang paghahanda sa pagpapalawak ng sector o priority group na pwede bakunahan sa mga susunod na linggo at buwan
Mabilis, ligtas at accessible ang vaccination centers para sa mga residente at target na populasyon ng Taguig na mabakunahan.
Ang Medical Center Taguig ay bukas Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
Bukod sa Medical Center Taguig, bukas din para sa online vaccination appointment ang Sea Breeze Resort, St. Luke’s Medical Center, National High School at EM’s Signal Village Elementary School.
Para sa vaccination appointment, pwede magtungo sa Trace Taguig website na trace.taguig.gov.ph o tumawag sa 8789-32-00 o 0966-419-451.