Opisyal nang inilunsad ng Anti-Red Tape Authority ang e-ARTA Complaints Management System (CMS) na donasyon ng Multisys Technologies Corporation.
Layon ng e-ARTA CMS na i-automate ang mga proseso at makamit ang zero backlog sa mga reklamo na natatanggap ng ahensya mula sa taumbayan kaugnay sa mga serbisyo ng pamahalaan.
Sa tulong ng bagong digital complaint system, ang mga ordinaryong Pilipino ay maaari nang maghain ng reklamo sa ARTA sa pamamagitan ng web-based application.
Kabilang sa mga key feature ng e-ARTA CMS ay ang electronic ticketing system, paperless complaint filing, cloud storage para sa back-up, at SMS notification para sa mga maghahain ng reklamo.
Pinangunahan ni ARTA Director General Sec. Jeremiah Belgica at mga opisyal ng Multisys Technologies Corporation ang paglagda sa deed donation.