Positibong kaso ng COVID-19 sa Cagayan,Bahagyang Tumaas

44
Cauayan City, Isabela- Bahagyang tumaas ang bilang ng binabantayang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ay makaraang maitala ang positibong kaso sa bayan ng Iguig at Sto. Niño sa unang araw ng Abril.

Kaugnay nito, sampung (10) lugar ang nananatiling may aktibong kaso ng virus sa probinsya.

Wala namang naidagdag sa bilang ng COVID related death gayundin sa mga nakarekober sa sakit.

Patuloy naman ang paghimok ng health authorities sa publiko na sundin ang minimum public health standard upang makaiwas sa COVID-19.

Facebook Comments