Bagong DAR Cagayan Valley head, nangakong pabibilisin ang land distribution sa rehiyon

Nangako ang bagong regional director ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Cagayan Valley na si Samuel Solomero, na pabibilisin ang pamamahagi ng lupa sa rehiyon.

Ito ay alinsunod sa zero backlog target na target ng DAR pagsapit ng 2022.

Ayon Kay Solomero, ang lalawigan ng Isabela ay mayroon pang 31,000 na ektaryang lupang sakahan ang kinakailangang ipamahagi sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).


Maliban sa Isabela, ang Cagayan Valley ay binubuo ng Batanes, Cagayan, Nueva Vizcaya at Quirino.

Puntirya ng DAR na makupleto Sa loob ng tatlong taon ang distribusyon nasa 600,000 hectares na lupa.

Facebook Comments