Bagong designations ng mga opisyal ng PNP, ipapatupad na ngayong araw

Epektibo na simula ngayong araw ang rigodon sa ilang opisyal ng PNP.

Si Police Lt/Gen. Archie Gamboa na ang deputy chief for administration, ang pangalawang pinakamataas na posisyon sa PNP.

Pumalit sa kanya si Deputy Chief of Operations, Lt/Gen. Camilo Cascolan.


Si Major Gen. Guillermo Eleazar na ang chief of directorial staff.

Pinalitan siya bilang NCRPO chief ni Brig/Gen. Debold Sinas.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde – ang balasahan ay bunsod ng pagreretiro ni Lt/Gen. Ferdnando Mendez na magreretiro na ngayong araw.

Matunog naman ang pangalan nina Gamboa, Cascolan at Eleazar bilang susunod na PNP chief, bagay na kinumpirma ni Sen. Bong Go.

Tiniyak naman ni Albayalde na masusing pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hahalili sa kanya.

Mula sa November 8, ay sa October 29 na nakatakdang magretiro si Albalyade.

Pero paglilinaw niya, wala itong kinalaman sa pagkakadawit niya sa isyu ng ninja-cops.

Facebook Comments