Dagdag buwis sa mga imported na bigas, pinag-aaralan

76

Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aaral sa safeguard duties o dagdag na buwis sa mga imported na bigas para magmahal ang presyo ng mga ito.

Pero ayon kay DA Secretary William Dar – wala pa silang direktang aksyon kung ipapatupad na ba ang pag-aaral sa bansa.


Dagdag pa ni Dar, habang wala pang desisyon, may iba pa naman silang solusyon na ginagawa na.

Sa kabila nito, hindi naman sinabi ng kalihim kung kailan iaanunsyo ng pamahalaan ang mga maaaprubahan nitong hakbang.

Facebook Comments

From Advertisers