Bagong electric jeepney, inilunsad sa lungsod ng Las Piñas

Inilunsad na sa lungsod ng Las Piñas ang bagong modelo ng electric jeepney o e-jeep.

Ang nasabing Cityline Electric PUV na gawa ng Stsr-8 Green Technology ay may 25 seating capacity, may dalawang aircon, at may long rage battery na kayang mag-ikot sa ilang kalsada sa Las Piñas city.

Sa pahayag ni Star-8 President at CEO Jacob Maimon, ito ang makabagong paraan para mabawasan ang carbon footprints na dulot ng ilang public transport sa bansa.


Isa rin itong paraan para mapangalangaan ang kapaligiran at kalusugan ng publiko kung saan ang mga battery nito ay makukuha sa isang leasing agreement upang mabawasan ang gastos sa maintenance ng mga kukuha nito.

Naging panauhin pandangal naman si Sen. Cynthia Villar at kaniyang sinabi na makukuha ng mga kooperatiba at operators ang unit na ito sa mababang interest rate sa pamamagitan ng Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.

Suportado naman ng ilang transport cooperatives ang paglulunsad ng e-jeepney bilang bahagi ng PUV Modernization Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan ayon kay Chairman Jun Saw ng South Metro Manila Transport Cooperative, magiging malaking bagay ito para mas lalo magiging komportable ang mga pasahero at magigm sulit ang biyahe ng kanilang mga miyembro.

Aniya, sila ang kauna-unahang kooeratiba na nagpatakbo ng electric PUV sa Metro Manila at patuloy silang sumusuporta sa mga programa ng pamahalaan para mapaganda pa ang sektor ng transportasyon sa bansa.

Facebook Comments