Hirit na patalsikin sa Kamara si si Cong. Arnie Teves, pag-aaralan na ng Ethics Committee

Pag-aaralan na ng Committee on Ethics and Privileges ang liham sa Kamara ni Pamplona Mayor Janice Degamo na misis ng pinaslang na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sa liham ay hinihiling na patalsikin bilang miyembro ng Mababang Kapulungan si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., na itinuturong na isa umano sa utak ng krimen.

Ayon sa chairman ng committee na si COOP-NATCO Representative Felimon Espares, natanggap na nila ang liham ni Mayor Degamo at kailangan pa nila itong rebyuhin o pag-aralan.


Aminado naman si Rep. Espares na sa ngayon ay hamon sa kanila ang pagkakaroon ng quorum dahil karamihan sa mga miyembro ng komite ang nasa kani-kanila nang mga lugar o probinsya habang naka-break ang session ng Kongreso.

Facebook Comments