Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang bago nitong emergency hotline para sa agarang responde sa mga residente anumang oras.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, mas mabilis ang gagawing pagtugon ng mga kawani ng pamahalaang lungsod sa bagong emergency hotline na ito.
Paliwanag ng alkalde na maaari nang tumawag o mag-dial ng 122 kung saan ang hotline na ito ay konektado sa City Disaster Risk Reduction and Management Office at Quezon City Police District at Bureau of Fire Protection.
Nagbabala naman si Belmonte na posibleng maharap sa parusa ang sinumang aabuso sa paggamit ng hotline tulad ng mga prank caller.
Pwedeng gumamit ng mga mobile phone at landline telephone sa pag-dial sa 122 hotline ang sinumang nangangailangan ng emergency service ng pamahalaang lungsod.
Maliban sa emergency assistance, pwede ring tawag sa 122 ang COVID-19 related services, social services assistance, pagsumbong sa anumang domestic violence at iba pang hinaing.
Dagdag pa ng alkalde na 24/7 ang naturang emergency hotline kung saan may ay nakatoka na empleyado para agad na tumanggap ng tawag ng mga residente ng lungsod.