Bagong empleyado ng isang gas station, pinaghahanap matapos magnakaw sa unang araw ng trabaho

681

HAMDEN, Connecticut – Pinaghahanap ngayon ang bagong empleyado ng isang gas station matapos malamang nagnakaw ito ng mahigit $17,000 o (P863,226) sa kanyang amo sa unang araw ng trabaho.

Sa ulat ng mga pulis noong Miyerkules, Pebrero 5(USA time), nakuhanan sa surveillance camera ng Go on Gas station ang krimen.


Ayon sa kanila, nakuha ng kawatan ang nasa 89 kahon ng sigarilyo, lotto tickets at pera habang nag-iisa ito sa trabaho sa kanyang unang gabi.

Kinuha rin daw ng suspek ang isang folder na naglalaman ng kanyang personal na impormasyon kung saan may nakasulat pang, “The store owner does not know the new employee’s name.”

Kaugnay nito, nagbigay ng babala ang pulisya na mag-ingat sa kung sino ang ipapasok na bagong tao sa trabaho.

Sa ngayon ay patuloy na hinahanap ang suspek na nakita ang pagkakakilanlan sa CCTV footage.

Facebook Comments