Bagong format ng NBA All Star 2018, umani ng iba’t-ibang reaksiyon

NBA – Nagbigay ng kaniya-kaniyang reaksyon ang iba’t-ibang player sa pagpapalit ng format ng 2018 NBA All-Star Game na gaganapin sa Los Angeles.

Imbes kasi na sa traditional na eastern versus western all-star ay ang mga ball captain na ang pipili ng kaniyang mga manlalaro.

Ayon Golden State Warriors Star Stephen Curry na ang bagong format ay magdadagdag ng panibagong excitement pero nakulangan naman ang coach nito na si Steve Kerr kung saan nag-suggest ito na dapat gawing tig-24 na manlalaro sa bawat koponan ang piliin at hindi na lamang ang tig-labing dalawa.


Hindi naman nagustuhan ni Cleveland Cavaliers Star Richard Jefferson ang bagong pormat subalit kabaligtaran naman ang sa teammate nito na si Kevin Love dahil umaasa siyang mapipiling bilang captain si NBA superstar Lebron James.

Facebook Comments