Bagong imbentong cow’s milk, ipinagmalaki ng dalawang scientist sa California

San Francisco, California – Ipinagmamalaki ngayon ng dalawang scientist mula sa Muufri Company ang bago nilang imbento na Cow’s Milk.

Nabatid kasi na naisip nina Ryan Pandya at Perumal Gandh na gumawa ng synthetic milk na kung saan tinawag nila itong “Perfect Day.”

Wala daw itong pinagkaiba sa gatas ng baka at punong-puno din daw ito ng vitamins at nutrients.


Sinasabing inabot ng tatlong taon ang mag-partner para ma-create ang ganitong uri ng gatas na mula sa yeast at iba pang sangkap.

Hindi din daw ito delikado sa kalusugan at 100 percent na hindi ka din makakaranas ng allergy.

Sa ngayon, nakatakda nila itong ilabas sa market at gumagawa na din sila ng paraan para maka-order ang nasa ibang panig ng mundo.

DZXL558

Facebook Comments