Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Lt. General Bartolome Vicente Bacarro ang pagpapasinaya ng bagong intelligence facilities sa General Headquarters sa Camp Aguinaldo.
Bahagi ito ng TIKAS Projects o Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad ng Department of National Defense (DND) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kabilang dito ang bagong kumpuning De Jesus Academic Building at bagong tayong Wellness Center ng Special Intelligence Training School.
May kabuuang sukat na mahigit 6,000 metro kwadrado ang mga bagong pasilidad na mayroong mga tanggapan, conference rooms, classrooms, at library.
Ayon kay Lt. Gen. Bacarro, ang mga bagong pasilidad ay magsisilbing sentro ng pag-aaral, professional growth, camaraderie, at physical wellness ng mga sibilyan at militar na intelligence practitioners.