Manila, Philippines – Bumuo na ng bagong investigation team ang Commission on Human Rights para imbestigahan ang mga bagong alegasyon kaugnay ng Davao Death Squad.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia – magiging basehan ng kanilang imbestigasyon ang naging testimonya ni retired SPO3 Arthur Lascañas.
Kabilang na rito ang ibinunyag ni Lascañas na pagpatay sa isang dance instructor na utos aniya ng pangulo.
Sabi pa Senador Antonio Trillanes, wala naman binanggit na pangalan ng D-I si Lascañas.
Muli ring iginiit ng Senador na kung tutuusin ay pwedeng-pwede nang ma-impeach si Pangulong Duterte sa kasong culpable violation of the constitution dahil sa umano’y Extra Judicial Killings ng DDS, isama pa ang isyu ng bank accounts ng pangulo na aabot sa 2-bilyong piso.
Kahapon, inamin ng pangulo na mayroon DDS pero hindi aniya siya ang nagtayo nito.
Noong 2012 resolution ng CHR, napatunayan na may mga pagpatay sa davao city na kagagawan ng DDS… kung saan inirekomendang imbestigahan si Pangulong Duterte na noo’y alkalde pa ng lungsod dahil sa kawalan ng aksyon hinggil dito.
Tags: RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila
Facebook Comments