Wednesday, September 16, 2026

Bagong laya, nang-hostage dahil gustong bumalik sa kulungan

Kinumpirma ng Chief of Police ng Mandaluyong City Police Station na si PCol. Reynan Patam na hostage-taking incident ang nangyari sa isang building sa E. Pantaleon Street, Barangay Barangka Drive, Mandaluyong City, ngayong Miyerkules, September 16.

Matagumpay na nailigtas ang isang 52-year-old na babaeng biktima matapos itong humingi ng saklolo bandang 9:30 ng umaga.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang suspek ay isang 43-year-old na lalaki mula sa Santa Maria, Bulacan na bagong laya lamang sa bilangguan at walang anumang personal na relasyon sa biktima.

Inamin ng suspek na intentional niyang ginawa ang krimen dahil gusto lamang niyang bumalik sa kulungan.

Nahaharap ngayon ang suspek sa mga kasong Serious Illegal Detention at Violation of BP 6 o Illegal Possesion of Deadly Weapon matapos makuhaan ng isang 10-inch kitchen knife.

Facebook Comments