Wednesday, September 16, 2026

Mga senator-judges na wala sa paglilitis, hindi na dapat tangkaing bumoto at lumahok sa impeachment trial

Iginiit ni retired Chief Justice (CJ) Artemio Panganiban na hindi na dapat tangkain pang bumoto at mag-participate ng mga senator-judges na wala sa impeachment trial.

Ito ang opinyon ni Panganiban sa tanong ni Senate President (SP) Win Gatchalian kung makakabali ba sa truth and fairness ng Senate Impeachment Court kung isasama sa boto ang ilang mga senador na kasalukuyang naka-detain ngayon.

Ayon kay Panganiban, kung wala sa Impeachment Court ang mga senator-judges sa anumang kadahilanan, malaking katanungan aniya rito ay kung nasa posisyon ba sila na makapaghatid ng katotohanan at pagiging patas.

Diin ng dating CJ, hindi na dapat tangkain pang bumoto at mag-participate ng isang senator-judge na wala sa paglilitis lalo na kung wala sila sa posisyon para maghatid ng truth at fairness.

Samantala, kapwa naniniwala sina Panganiban at retired Chief Justice Reynato Puno na Senate Impeachment Court at hindi ang Korte Suprema ang susundin pagdating sa usapin ng botohan at pagbibigay ng hustisya sa impeachment trial.

Facebook Comments