China – Binuksan na sa publiko ang bagong airport sa Beijing, na magiging ikalawang pinaka-abalang paliparan sa buong mundo.
Ang Beijing Daxing International Airport (PKX) ay ilulunsad ang unang commercial flight take off ngayong araw.
Ang paliparan ay mayroon pa lamang apat na runway at isang terminal kasing laki ng 97 soccer field.
Mayroon din itong mga customer-service robots na magbibigay ng flight updates at airport information.
Target nito na makapag-accommodate ng 72 milyong pasahero at dalawang milyong cargo kada taon hanggang 2025.
Facebook Comments