BAGONG MGA EMERGENCY VEHICLE NG DAGUPAN CITY, DUMATING NA

Isang bagong fire truck ang nadagdag sa mga emergency vehicle ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City para sa mas mabilis na pagreresponde tuwing may sakuna. Kabilang ang naturang emergency vehicle sa inaprubahang 2022 budget.

Bukod dito, may mga bagong rescue vehicles at iba pang kagamitan din ang itinurn over sa sa tanggapan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Waste Management Division, Dagupan PNP, at mga barangay.

Ilan sa mga kagamitan na ito ay Rescue & Disaster Preparedness Vehicles, Chain saw, Rescue saw, Waste Management Vehicles, bagong PNP Mobile, mga Rescue boats at iba.

Inaasahan na may iba pang darating na rescue vehicle at equipment at itititurn over sa mga paglalaanang tanggapan ng lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments